Bakit ka naman magsusulat, e hindi ka naman Englishero?!?
My journey to finding my voice in blogging.
“Bakit ka naman magsusulat, e hindi ka naman Englishero?!?” my former boss blurted out in my face one random afternoon in the office. He deeply relished that moment as my colleagues and I were reduced to his mere punching bag on that day. I didn’t flinch, and I didn’t lose my cool. I just calmly said, “Basta gusto ko lang kasi magsulat, sir.”

Sa pagkakatanda ko, mga 2008 nangyari ‘yun. Back when toxic bosses were tolerated and working in horrible workplaces was celebrated because it meant that you had a good-paying job. Well, that was before, and I’m glad that things have greatly improved a lot since then.
Many stereotypes have been shattered since then, including the illusion that one can only be called a writer when they have a good grasp of the English language.
The words of my former boss stuck, but I kept them not to discourage me. I took it as a challenge; I wanted to show him that I can do it. Sabi ko sa sarili ko na kahit hindi sa mainstream o corporate, kahit sa unconventional platform, papatunayan ko na kakayanin kong magsulat.
You see, writing has always been my source of pride & insecurity.
Noong high school ako sa probinsya, isa sa mga favorite kong assignments sa school ay ang composition writing and essays. Mas confident ako sa pagsusulat, mapa-English man ito o Tagalog/Filipino.
Mahina naman talaga ako sa Math, aminado ako dun, kaya naturally nag-gravitate ako sa writing. Masaya at proud ako sa sarili ko in knowing na sanay akong magsulat in long form.
Pero kagaya ng ibang mga high school students, sometimes present, madalas absent ang interes ko. Nahiya pa nga ako noong mga panahon na iyon. Dahil sa passion ko sa writing noong younger year levels ko, kinuha ako bilang Associate Editor ng school organ namin n’ung fourth year ako.
Kaya lang, bakit naman kaya gan’un? N’ung first edition, nagkaroon yata ako ng writer’s block. Hindi ko pa alam noon na ito pala ang tawag dito. Basta, hindi lang ako makapagsulat. Na-pressure yata ako.
Nagkaroon ng star section n’ung last year namin sa school. Puro magagaling ang mga kaklase ko. May ilan pa nga sa kanila, exceptionally good when it comes to their command of the English language.
Sabi ko, “Baka isipin nila na walang sense ang isusulat ko?” Mas lalo akong walang maisip; wala rin akong mapiga kahit ano ang gawin ko.
Sa first edition ng paper, isang news article lang ang nagawa ko. Pinilit pa ako ng adviser namin na mag-submit.
Dahil sa experience ko na ’yun, nag-promise ako sa sarili ko na babawi ako sa last edition ng paper namin. Gusto ko na hindi lang basta-basta ang ibibigay ko. Dapat memorable, dapat maganda, dapat kakaiba. At ‘yun naman talaga ang ginawa ko.
Nakapag-submit ako ng dalawang tula, dalawang essay pieces, at dalawang news articles. Sobra pa sa quota na four articles, kaya kinailangan ko pa mag-sacrifice ng isang article. I received a commendation from our adviser because of my submissions. Bumalik ang confidence ko. Sabi ko, “ah, ready na ako to conquer college.”
Noon din, nadiskubre ko na kailangan pala ng isang tao na magtutulak sa kanya para makapagsulat. Kailangan n’ya pala ng inspirasyon; hindi laging masaya, madalas pa nga ay malungkot upang buhayin ang creativity n’ya. Isang mabigat na experience para makalikha ng maganda. Kaya madalas din itong maihalintulad sa pagpapanday; kailangan mong dumaan sa isang masalimuot na proseso upang makabuo ng isang obra maestra.
Beautiful things are borne out of chaos, sabi nga nila.
Sa edad ko na iyon, akala ko peak na iyon ng mga heartbreak. Heartbreak from a first love and the heartbreak from a friend’s betrayal. May dinala akong angas sa mundo, kahit na sa ibang paraan ko dinivert. Sabi ko, I will show the world my greatness. I can be anything that I want.
At some point nga, akala ko ay pwede kong maging career ang pagsusulat, kaya lang namulat ako sa katotohanan na hindi naman ako kayang pakainin ng pagsusulat. Kagaya ng ibang hindi popular na industriya, napakakonti ng oportunidad para sa mga manunulat noong nangangarap pa lang ako.
Kaya naman mas pinili ko na pumasok sa science course n’ung nag-college ako. Mas marami daw opportunities dito kesa sa pagsusulat,
Hindi kagaya ngayon, dahil sa internet, maraming nagbukas na pintuan para sa mga manunulat na Filipino. Hindi na kailangang nakakahon lang sa media, pwede na rin sa corporate, self-publishing, copywriting, writing for clients abroad, at marami pa.
Unang linggo ng klase sa college, na-overwhelm na ako sa mga kasabayan kong estudyante. Ang gagaling, ang tatalino, ang lalalim mag-isip, at puro mga makakata.
“Wow, ang galing naman nila,” sabi ko sa sarili ko. Nagkaroon ako agad ng maraming insecurities dahil hindi ako makasabay sa talas ng isip ng mga kaklase ko. Hindi naman kasi advanced ang Math program namin nung high school kaya hirap na hirap ako sa Math 17 ko.
Nasabi ko sa sarili ko, “Ah, babawi na lang ako sa pagsusulat.” Pero science course nga pala ako. Iba ang scientific and research writing kumpara sa creative writing.
Okay ako pagdating sa GE subjects, pero sa major subjects ko na kailangan ng estilong mas teknikal sa pagsusulat, nahirapan ako.
Ang pinakamasakit, sa paglipas ng panahon, na-realize ko na nahirapan na rin ako sa English creative writing. Pumasok akong graduate assistant after college, pero naging struggle ko naman ang English writing. Kumbaga sa lapis, pumurol ako.
“Try reading English novels,” ang payo sa akin ng prof/boss ko. Sinunod ko naman s’ya. Nagbasa ulit ako ng mga English books. Ang pagkakamali ko lang, inilagay ko pa s’yang character reference.
Siniraan pa tuloy ako sa first job ko.
Hindi ko pala magamit ang science course ko kasi walang opening dito sa Pilipinas. Tsaka ayoko naman mag-abroad nung mga panahon na yon. Kaya ayun, tinanong ko ang sarili ko kung ano kaya ang kaya ko pang gawin bilang alternative job, kaya bumagsak ako sa copywriting.
Tinanggap din naman ako ng isang small ad agency as copywriter, pero may judgment na sa akin dahil sa comment nung prof ko.
Nakalipat ako sa ibang work, nag-gain ng new skills at nag-expand ng role beyond writing. Pero tuwing sumusulat ako, iba’t ibang masasakit na comments pa rin ang naririnig ko.
“Bakit ka naman magsusulat, e hindi ka naman Englishero?!?,” minsang sigaw sa akin ng boss ko.
Sa ibang pagkakataon naman, may tatawag sa article ko na “shallow.” Ang hirap naman kasi pag kailangan mong sumulat ng articles gamit ang balance sheet haha.
So as not to lose myself and my craft, I created my own opportunities. Doon ko na-discover ang blogging. Sabi ko, pwede akong mag-practice magsulat nang hindi ako ijujudge ng kahit na sino. Kahit ano ang isulat ko, I can be myself nang walang mananakit at sisigaw sa akin.
Long process, pero worth it naman. Marami rin akong naabot dahil sa blogging; brand collabs, being part of a group of fatherhood KOLs, nag-place din ako sa ilang blogging contests, at kumita kahit papaano ng pera sa blog ko.
Marami ring natutunan sa technical aspect ng blogging and simple coding. Salamat sa research at pag-self-study.
Nagbago man ang blogging landscape at napalitan na ng content creation, natagpuan ko naman itong Substack. Mas malaya magsulat, hindi de-kahon. Naramdaman ko ulit ang saya sa pagsusulat kagaya noong peak ng blogging. Pwede akong mag-express ng thoughts and emotions ko, kahit hindi SEO-friendly or evergreen content.
Best of all, I was able to polish my writing. Yun lang naman ang hiniling ko. Gusto kong maging confident sa pagsusulat. Hindi man naging magaling, mas naging confident naman ako. Hindi na ako natatakot magsulat. Kahit hindi ako Englishero, kaya ko sumulat ng English article, whether it’s an essay or a search-optimized travel blog.
Sa huli, hindi naman natin kailangang maramdaman na we are the greatest, na we are above the rest. Ang gusto lang natin, maramdaman yung freedom to express ourselves. Yung hindi nakakahon o sunud-sunuran lang sa ididikta ng ibang tao. Yung malaya ang isip natin kahit sabihin pang walang k’wenta ang gusto nating sabihin.
It was a privilege to go through the process of learning and relearning, stumbling and getting back up again, losing my voice and finding it again. It was a good ride; it made life more interesting and colorful. I’m happy where I am right now.
Similar stories:






Life changing for me noong lumabas ang "ABNKKBSNPLAKo?!" ni Bob Ong because it showed me na pwede palang magsulat ng libro in Taglish instead of either straight English or Filipino.
Thank you for sharing your writing journey. Napa-smile ako doon sa part na iba ang scientific/technical writing vs creative writing. Hahahuhu... My current struggle.
Pero gaya ng sinabi ng ininterview ko for my essay this week, "You just keep on doing it." Let's keep on writing. 😊
Thank you for sharing this, Sir! Ako din po, may love and hate relationship sa pagsusulat. Yung mga submissions ko dati sa school paper namin nung high school puro rejected, sa sama ata ng loob ko ito ako ngayon nasa STEM hahaha. Lahat din ng GE Subjects ko nung college ang taas ng grades ko tapos mga major subjects sakto lang. Ewan ko din ba bakit nasa STEM grad school ako ngayon kahit hirap na hirap na ako.
Gumigising ako sa umaga naiisip ko na gusto ko na lang magsulat o magbasa pero ang mediocre naman ng mga writing attempts ko 🫠. Hindi na nga ata ako marunong pati simple grammar. Nakakafrustrate.