As a boy growing up in the ‘90s, one of the things that I look forward to on All Saints’ Day is a trip to the cemetery with my cousins. Aside from the chance to visit loved ones who passed on, we were also fueled by the prospect of achieving something that kids back then prepared for in the days leading up to All Saints’ Day – creating the biggest ball out of melted candles. It was a competition among us cousins, and the one holding the biggest ball by the time we went home had the bragging rights until the next Undas.
Naaalala ko nung mga panahon na iyon, pagsindi pa lang ng kandila ng mga tita ko, kabilin-bilinan agad sa amin, “O, antayin nyo munang matunaw ah. Baka naman pilitin n’yong kumuha agad ng kandila nang hindi pa naman natutunaw.”
Pag nagsimula nang pumatak ang kandila na parang lumuluha, kanya-kanya na kaming kuha sa medyo mamuo-muong agos sa paanan nito. Patatagan, ang mapaso, mahinang nilalang. Kaya bawal naming ipahalata pag medyo mainit pa ang nahawakan namin. Habang tumatagal naman, parang nasasanay ang mga kamay namin. Hindi ko alam kung nasasanay ba talaga o dahil lamang sa manipis na sapin ng natuyong kandila sa dulo ng mga daliri namin.
Habang paubos naman ang kandilang unang sinindihan, makakaramdam na kami ng bahagyang panic. “Tita, magsindi na kaya tayo ulit?” Ito ang sabay-sabay naming sabi. At pag ginawa naman nila iyon, sabay-sabay kaming makakahinga nang maluwag. Tuloy ang laban.
Kung minsan, nangangapit-bahay din kami. Ang ibig kong sabihin, pag may nakita kaming kakilala, pupuntahan namin ito. Kakausapin sandali. At kapag disimulado na ang plano namin, magsisimula na kaming makikuha ng tunaw na kandila.
“Penge naman kami, sayang naman yan,” sasabihin namin na para bang totoong nag-aalala kami na masasayang ang natunaw na kandila. Pag naubos na, move on sa next kakilala hanggang sa mapansin naming na medyo dumidilim na. S’yempre, pagbalik namin sa sarili naming nitso, may mas marami pang tunaw na kandila na nag-aantay sa amin.
Karaniwan, ang pinsan kong mas matanda sa akin ang nananalo sa amin. Pinakamagaling gumawa ng bolang tunaw na kandila. Ang isa ko namang pinsan, ang bragging rights ay gumawa ng pinakamakinis na bilog na kandila. Pagkatapos naman nito, kukunin din naman sa amin ng mga tita namin ito upang gawing floor wax. DIY floor wax, kumbaga.
Ngayon, napapaisip ako, may mga bata pa ba na nagbibilog ng kandila pag Undas? Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapunta sa sementeryo sa probinsya. Iniisip ko kung ginagawa pa rin ito ng mga bata ngayon (o kung ginawa kaya ito ng mga Gen Z noong kabataan nila?). Nevertheless, parang gusto kong ituro sa anak ko ang paggawa nito. Siguro kung makadalaw kami sa sementeryo ngayong Undas, baka ipakita ko sa kanila ang paggawa ng bolang kandila.
Na-experience nyo rin ba ito?
This story is part of my Halloween & horror stories series:
ADVERTISEMENT







