Lumaki ako na hindi naman talaga sine-celebrate ang mga milestones sa buhay ko. May mga birthday celebrations, pero given naman na iyon.
I remember nung elementary graduation meron akong celebration pero yun na yata ang last. Wala na nung high school graduation, college graduation, passing the board exam, and nung may natanggap akong award during college.
Nung una, okay lang naman sakin. Parang hindi ko rin naman kasi hinahanap ang wala nung mga panahong iyon. Ang ibig kong sabihin, pag hindi mo naman kasi naranasan ang isang bagay, hindi mo rin hahanap-hanapin. Naisip ko rin na mas practical na wag na lang mag-celebrate or maghanda kasi dagdag gastos pa iyon.
Pero na-realize ko later on in life na iba rin pala kapag sine-celebrate ang mga special milestones mo. Especially nung nagkapera na ako ng sarili ko at naranasan ko na rin i-treat ang sarili ko. Naisip ko na masarap din palang mag-celebrate, especially kung para sa sarili mo o sa mga mahal mo sa buhay.
Parang appreciation lang din kasi nila sa iyo (o ikaw sa sarili mo) for a job well done. Yung mga achievements mo kasi hindi sya parang routine lang. Kumbaga hindi ordinary day lang. It’s something extraordinary that deserves to be celebrated. Hindi downplayed ang achievements mo.
Kung minsan, pag nakakakita ako sa social media ng mga celebration, naiisip ko na ang saya pala kapag ganun. Ang saya-saya siguro ng mga tao na marunong mag-celebrate ng mga panalo nila. I think it’s a good practice to let one feel that they are deserving of what they have and what they worked hard for.
Sa totoo lang, up to this day, hirap pa rin akong gumastos para sa sarili ko dahil merong pakiramdam o question palagi na “Do I deserve this?” o kaya “Do I really need this?”
I understand na kailangan pa rin nating maging practical. It’s a good habit to develop. Kaya lang, at the same time, kailangan din nating mabigyan ng reward ang sarili natin. Yung i-celebrate ka ng mga mahal mo at i-celebrate mo rin ang mga panalo mo sa buhay.
Honestly, bilib ako sa mga taong sanay gastusan ang sarili nila. Walang mali doon. In fact, nung nanghingi sakin ng life advice yung isa kong batang officemate dati, sinabi ko talaga na bilin mo yung mga bagay na gusto mo at nagpapasaya sayo habang bata ka pa. Kahit ano pa yan; mga damit, gadgets, new experiece, at kung anu-ano pa.
Basta kaya mong bilhin, go for it dahil sa future, pag nagpatong-patong na ang mga responsibilidad mo, mahirap nang gawin yun. Celebrate your wins! Naisip ko kasi, sana pala binili ko na yung mga bagay na gusto ko nung bata pa ako.
Sana binigyan ko na ang sarili ko ng pagkakataon na maranasan magkaroon ng mga materyal na bagay na “hindi kailangan” pero “masayang magkaroon” haha just because I deserve it at pinaghirapan ko naman.
Kaya ikaw na nagbabasa nito, celebrate your wins, big or small. Bigyan mo lagi ng pagkakataon na maramdaman na deserving ka ng mga bagay na gusto mo.
Similar stories:
ADVERTISEMENT




![The 3 Important Lessons I Learned When I almost Quit My Job To Travel [And Then Decided Not To]](https://substackcdn.com/image/fetch/$s_!FKVc!,w_140,h_140,c_fill,f_auto,q_auto:good,fl_progressive:steep,g_auto/https%3A%2F%2Fsubstack-post-media.s3.amazonaws.com%2Fpublic%2Fimages%2Fa55490f9-b50c-49af-95f1-4110c5e0390f_2000x1500.jpeg)


