Bakit ba Lagi na lang Akong Nostalgic?
Warning: Medyo sabog itong post na ito. Gusto ko lang isulat ang nasa isip ko.
Napanasin ko recently na lagi na lang akong feeling nostalgic. Halimbawa:
Pag may narinig akong music, bigla na lang magfa-flash sa utak ko ang maraming memories.
Pag may naamoy akong pabango, para akong bumabalik sa isang lugar na hindi ko matukoy
Pag may nalasahan akong pagkain, bigla na lang akong matatahimik kasi may mga larawan ng alaala na nagpupumilit na mabuo sa utak ko.
Sign of aging na yata talaga ‘to. Napansin ko kasi, habang patanda ako ng patanda, padalas rin nang padalas ang pagiging nostalgic ko. Hindi naman masama, kaya lang kung minsan kasi ang hirap o bigat din sa pakiramdam when you yearn for a place or time that no longer exists. Sometimes, when you begin to ask if there’s a way to go back, the answers become scary so I don’t venture too much.
In any case, ang ibig sabihin kaya nito, hindi lang ako ang ganito? Posible. Sigurado ako na pareho rin ang nararamdaman ng mga kapwa ko nagkaka-edad na. Sabi nila, normal lang naman ito. Agree naman ako dito dahil nga habang mas tumatanda tayo, mas marami tayong mga memories, experiences, at mga events na pinagdaanan o na-aaccumulate. Kumbaga mas malawak ang database kaya mas marami ring mga opportunities for playbacks.
I’m one of the older millennials (ipinanganak ako nung 1981) at lumaki at namulat ako sa mundo noong dekada ’90. Sabi ng mga tao, kaming mga millennials daw yung huling henerasyon na na-experience ang mundo noong analog pa ito. Kami rin daw ang nakakita sa mundo as it transitioned from analog to digital.
Totoo naman. Nung kabataan ko, puro TV lang kami. Well, sa mga introverts na katulad ko, sa harap ng TV namin madalas ubusin ang oras namin. Yung mga magulang ko naman, halos ipagtulakan na ako sa labas ng bahay.
Tuwang-tuwa pa pag may kabarkada akong susundo sa akin. Well, natutuwa rin naman ako pag may mga kaibigan ako na bigla na lang susulpot pag weekend at hahatakin akong mag-bike. Yup, biking ang hobby namin noon at kung saan-saan kami nakakarating. Usually, sa mga sulok-sulok ng town namin na hindi madalas daanan ng mga tricycle. Masayang magtakutan pag nasa liblib na lugar na. o kaya naman ay habulin ng aso
Throughout the 90s, ang routine lang namin sa probinsya ay school, bahay, TV, konting assignment, tulog. Repeat. Then yun, pag weekends naman insert biking sa mga liblib na sulok ng town namin. I guess kids who grew up in cities will find this routine boring, but we survived.
Masarap lang talaga itong balikan, yung mga ganitong ala-ala ng nakaraan. Napaka-simple kasi ng buhay ko noon. Napakaliit din ng town namin kaya ito lang ang mundo na alam namin ng mga kaibigan ko, until we all parted ways and went to Metro Manila for college.
Nung college naman, nauso ang cellphone. Analog cellphones or dumbphones pero feeling namin nun sikat na basta may hawak na cellphone. Naalala ko yung first phone ko nun: Alcatel OneTouch phone. Two-liner lang, walang text graphics pero tuwang-tuwa na ako dito. Yung isa kong kabarkada sa college, the following year pa nagka-cellphone.
Nung nabilhan na sya, half a day nya akong pina-prank ng missed calls. Nung hapon na ni-reveal na nya na sya yung missed call ng missed call sa akin at sinabing i-save ko raw number nya. Sabi ko naman i-dictate nya ulit kasi dinelete ko na. Ayun, inis na inis tuloy sakin kasi hindi ko sinakyan trip nya.
Syempre, pag nasa college ka, excited ka maka-graduate and mag-work. Kung alam ko lang na mas komplikado pala ang buhay after college, mas in-enjoy ko pa ang college life ko.
After college kasi, mas na-expose tayo sa katotohanan ng buhay:
Pag nagpakita ka ng kabutihan, hindi ibig sabihin na automatically papakitaan ka rin ng kabutihan.
Pag nagsipag ka at ginawa mo ang tama, hindi ibig sabihin ay atumatically magigiging successful ka sa trabaho
Pag nagmahal ka, hindi ibig sabihin ay susuklian ka rin ng pagmamahal
Pag naging totoo ka, hindi ibig sabihin ay mga tunay na kaibigan din ang lalapit sa iyo
Siguro kaya nga lagi tayong nostalgic dahil hinahanap-hanap natin yung mga pagkakataon o mga pangyayari sa buhay natin na hindi pa kumplikado ang mga bagay-bagay.
Bakit kaya ganun ang buhay? Alam ko naman na walang ideal, pero sana ‘no ipanalo tayo ng panahon at tadhana lalo pa’t genuinely honest at naging mabuti naman tayo sa mga intensyon natin.
Sana lang.
Yun pa kasi, ang daming mga tanong na hindi mabigyan-bigyan ng sagot. Habang tumatanda tayo, parami nang parami ang mga tanong na walang kasagutan.
Anyway, I’ll end it here at baka paikot-ikot na lang ako.
Similar stories:


