Paano mo tatanggapin pag ipinamukha sayo ng mundo kung gaano ka kaordinaryo?
Writing down my initial culture shock as I adjusted to college life almost 3 decades ago. The experience taught me a valuable lesson I carried with me through life.
Natatandaan mo pa ba kung gaano ka katayog mangarap noong bata ka? May punto talaga sa buhay natin na ang tingin natin sa sarili natin is that we can do extraordinary things. Or we can be the remarkable person that we imagine ourselves to be.
Para bang lipad ng saranggola ni Pepe. Dahil malaya namang umalagwa, akala mo pataas na lang nang pataas ang paglipad. Ngunit kagaya rin ng saranggola ni Pepe, may mga darating na pagkakataon na susubok at hahadlang sa tuluyang paglipad nito nang malaya.
Sana simple na lang ang formula ng success, ‘no? Sabi kasi dati sa TV, tuwing makakapanood ako ng mga balita at interviews tungkol sa mga nagtagumpay sa negosyo. Ang karaniwang sabi dati, sipag at tiyaga lang ang sikreto nila.
Hindi naman pala ganun kadali at kasimple ‘yun.
Lumaki ako sa isang maliit na bayan sa isang hindi masyadong kilalang probinsya. Ito lang ang mundong alam ko. Dahil limitado lang ang mundong ginalawan ko, akala ko gano’n din ang buhay paglabas ko mula rito.
Mas malaki at mas malawak pala ang mundo sa labas. Ito na nga ang tunay na buhay.
Lumipat ako sa kabisera para mag-aral. Bitbit ko ang pag-asa at pangarap na binuo ko noong nasa high school pa ako.
Napakalaki ng unibersidad. Mapuno dito, kaya kahit papaano, naalala ko ang aking probinsyang kinalakhan. Ngunit hanggang doon na lang din pala ang pagkakapareho nila. Iba’t ibang karanasan ang pwede mong pagdaanan at iba’t iba rin ang mga taong maaari mong makasalamuha.
Ganito ang buhay. Walang pinipili, walang paborito. Hindi mabait sa pangkaraniwang tao. Hindi ka basta-bastang pagbibigyan kahit na mataas kang mangarap.
The experience will strip you down to your very core.
Ipaparamdam nito sa iyo kung gaano ka kaordinaryo. Marerealize mo, hindi ka naman pala gano’n kagaling, hindi ka rin naman pala kasing-talino ng iniisip mo.
Sa mata ng ibang mga tao, pantay-pantay lang din kayo. May kanya-kanyang struggles, may kanya-kanyang mga pasan sa buhay, pero pare-parehong umaasa na may magandang pagkakataon na naghihintay sa hinaharap.
Mabilis ang daloy ng buhay; hindi ka aantayin. Kailangan mong kumapit nang mabuti dahil kapag nakabitiw ka, hindi ka puwedeng mag-antay lang ng awa. Ikaw din ang tutulong sa sarili mo.
Ramdam na ramdam mo kung gaano ka kaordinaryo bilang isang tao. Pero ano nga ba ang gagawin mo kapag ipinamukha ito sa iyo ng mundo?
Paano ang gagawin mo kung ipinamukha sa iyo ng mundo na ordinaryo ka lang pala?
Pwede mo itong tanggapin. Yung mabubuhay ka sa paniniwalang may hangganan lang ang maaari mong marating. Yung sasabihin mo na lang sa sarili mo na, “Eh hanggang dito na lang talaga ako eh.”
Pwede ka rin naman lumaban. You can refuse to accept what the world dictates to you. You can choose to carve your own path where you can be extraordinary by your own standards, not by what the world says.
Survival na lang talaga. Kung noong college, makapasa na lang talaga. Tanggap ko naman iyon.
Hindi ko rin naman natupad ang pangarap ko. O kung tutuusin, pangarap ko ba talaga ‘yun? Baka sinabi ko lang na gusto kong gawin ‘yun dahil masyado pa akong bata noon. Idealistic: kung ano lang ang popular, ‘yun na rin ang gusto. Pero deep inside, baka hindi ko pa lang talaga alam ang gagawin ko.
Pinilit ko pa rin naman habulin, hindi dahil sa gusto ko talagang matupad, kundi dahil gusto kong magkaroon ng closure. Yung kaya kong masabi sa sarili ko that I gave it a shot, na I exerted all effort to get to that dream. Na kahit ipinaramdam sa akin ng mundo na ordinaryo lang ako, na I was on my own, I still went against the tide because I refused to give up.
Pero sa huli, hindi ko lang kinaya. Wala nang next step. ‘Di bale nang rejected, at least wala nang “what ifs?”
Sapat na sa akin ‘yun. Pwede na akong mag-move forward and pursue other things.
In a sense, life in general is like that experience during my college years. It taught me to be grounded. I may not be the greatest, pero okay ako doon dahil walang masyadong expectations sa akin.
At the same time, the experience also taught me that we can choose to be extraordinary in the realities we create for ourselves.
Sa huli, nasa ating mga kamay kung paano natin hahabulin ang buhay na gusto natin at magpapasaya sa atin, kahit gaano pa iparamdam sa atin ng mundo na ordinaryo lang tayo.
Similar stories:







Universal experience po pala talaga ito. My grade conscious self and medals definitely did not help me in college. 😅 This was such a nice read po and it was comforting that I wasn't the only one who felt this way.